WebClick Tracer

Binatilyo nahulog sa parking area ng mall

Iniimbestigahan ngayon makaraang lumagapak sa ground floor at namatay ang isang binatilyo sa isang mall sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na report, ang insidente ay nangyari dakong alas-6 ng gabi malapit sa valet parking entrance.

Ayon sa security guard ng mall, nagroronda umano siya sa bisinidad ng gusali ng makarinig siya ng isang malakas na kalabog malapit sa valet parking.

Agad niyang tinungo ang lugar kung saan siya nakarinig ng malakas na kalabog at laking gulat niya nang bumungad sa kaniya ang duguang katawan ng binatilyo.

Mabilis na humingi ng saklolo ang sekyu sa mga kasamahang guwardiya at isinugod sa ospital ang binatilyo subalit idineklara itong dead on arrival bandang alas-6:20 ng gabi.

Batay sa isinagawang eksaminasyon ng SOCO, ang biktima ay nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na naging dahilan ng kamatayan nito.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung saang palapag nahulog o tumalon ang biktima.

TELETABLOID

Follow Abante News on