WebClick Tracer

Pagbuo ng Office of Surgeon General sinusulong ni Tolentino

Sa gitna ng biglaang pasok ng bagong sakit sa bansa, itinutulak ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang isang panukala na magbubuo ng Office of Surgeon General (OSG) na magsisilbing national spokesperson sa lahat ng impormasyon na may kinalaman sa public health sa bansa.

Sabi ni Tolentino, layunin din ng panukala na mapalakas ang health information drive ng Department of Health (DOH).

Ginawa ni Tolentino ang pahayag kasunod na pagpasok sa bansa ng limang taong gulang na batang lalaki mula sa Wuhan, China na nagpositibo sa coronavirus.

“The recent influx of diseases, such as the still unidentified strain of coronavirus originating from Wuhan China, necessitates the need for a proactive government body which focuses on a reliable communication system for disease prevention and control,” sabi ni Tolentino sa kanyang Senate Bill No. 1288.

Sa ilalim ng panukala, ang OSG na magiging attached agency ng DOH, ay regular na maglalabas ng health bulletin at report sa mga kritikal na public health issue ng bansa.

Ang Surgeon General din ang magbibigay ng impormasyon sa health hazard sa panahon ng emergency, natural disaster, disease outbreak at iba pa.

Ang public health network na ito ay pangungunahan ng Surgeon General at bubuuin ng ilang attached agencies ng DOH tulad ng Disease Prevention and Control Bureau, Research Institute for Tropical Medicine, mga health practitioner mula sa pribadong sektor at medical academe at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

“It is not only the government’s foremost duty to create a policy framework to safeguard its citizens from disease, but also to provide vital and timely information necessary for health awareness,” sabi ni Tolentino.

TELETABLOID

Follow Abante News on