WebClick Tracer

Lolo sa Taal Island hiniling na dalawin ng mga nang-iwang anak

“Dun sa mga anak kong umalis na hindi man lang ako nilingap, para bagang damit lang ako na iniwanan sa bahay. Umalis sila nang walang pasubali; hanggang sa ngayon, hindi ko malaman kung nasaan.”

Ito ang paglalarawan sa Abante ni tatay Tatay Eusebio Cacao na mag-isang naninirahan ngayon sa Taal Volcano Island.

Nanawagan ito sa tatlo niyang babaeng anak, pawang nagsipunta sa Metro Manila, na dalawin siya gayong wala siyang load at hindi na umano sila nagkikita.

Hindi rin aniya siya napapadalhan ng isa pa niyang anak na nagtatrabaho naman sa Japan.

“Marites, Maricar, saanman kayo naroroon, pumunta kayo dito’t dalawin naman ninyo ako. Naluluha ako sa ginagawa ninyo sa akin e, parang hindi ninyo ako magulang,” naiiyak na dulog ni Cacao sa panayam sa Abante ngayong Linggo ng umaga, Enero 19, 2020.

“Kung ako ay masamang magulang, hindi kayo lalaki nang ganyan,” sambit pa niya. “Gusto kong lumuwas diyan, wala naman akong kapera-pera, e.”

Nakwento ni Cacao na namatay ang kanyang asawa at naiwan ang kanyang mga anak noong walong taong gulang pa lamang ang panganay nito, habang tatlong buwan at dalawang linggong gulang naman umano ang bunso.

Pito aniya ang kabuuang dami ng mga anak niya, ngunit namatay ang isa.

Sa isla na nanirahan ang 68-anyos na matanda na taga-Talisay, Batangas mula nang isilang. 15 taong gulang aniya siya nang pumutok ang Bulkang Taal noong 1965.

Sanay na aniya siya sa mga pagsabog ng bulkan, kaya hindi na siya lumikas pa gayong hindi na aniya puputok pa ang bulkan.

TELETABLOID

Follow Abante News on