15

Jan 8, 2021 @ 19:28
By

2020 pinakamainit na taon

Tumabla ang taong 2020 sa 2016 bilang pinakamainit na taon na naitala, ayon sa climate monitoring service ng European Union nitong Biyernes.

Iniulat ng Copernicus Climate Change Service, na ang record high na naitala noong nakaraang taon ay umabot sa 1.25 degrees Celsius above pre-industrial levels.

Nakaaalarma umano ito dahil walang tulong o kinalaman dito ang El Niño, ayon sa NASA at Met Office ng UK.

“The extraordinary climate events of 2020 and the data from the Copernicus Climate Change Service show us that we have no time to lose,” pahayag ni Matthias Petschke, Director for Space sa European Commission sa isang ulat.

Ibinunyag din sa report ang patuloy na pagtaas ng carbon dioxide emissions, na masama sa kalikasan.

Pumalo ito sa new high na 431 parts per million sa katapusan ng taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?