62

By

2020 national budget hihimaying mabuti – Angara

Tiniyak ng bagong talagang chairman ng Senate finance committee na si Senador Sonny Angara na kanilang bubusisiing mabuti ang panukalang 2020 national budget at maipasa ito sa tamang oras.

Sabi ni Angara, target nilang ipasa sa tanggapan ng Pangulo ang aprubadong 2020 budget – na inaasahang ibibigay ng Malacañang sa Kamara sa Senado sa susunod na mga linggo – bago magtapos ang taong ito.

“The budget hearings would be transparent because the people have the right to know where their taxes go,” sabi ni Angara.

Matatandaan na ang P3.7 trilyong national budget para sa taong 2019 ay pinirmahan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Abril dahil sa pagkaantala ng pag-apruba ng Kongreso.

Nagresulta ito sa pagkaantala din ng implementasyon ng ilang pangunahing proyekto ng gobyerno, bagay na ayaw ni Angara na mangyari sa 2020 national budget.

“We owe it to the people to pass the budget on time. Any delay in the implementation of public programs and the delivery of services is a disservice to them,” sabi ni Angara.

Makikipag-ugnayan aniya sa ehekutibo hinggil sa mga prayoridad ng administrasyon at hanapan ng paraan na mapondohan ang mga ito.

“We must build on these gains and make sure that the taxpayers are getting the service they deserve. We will go over the 2020 budget thoroughly and so that nothing goes to waste,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?