54
sonny-angara
Nov 10, 2019 @ 15:01
By

2020 national budget ‘di maiipit – Angara

Uumpisahan na sa Lunes ang debate sa plenaryo ng Senado ang panukalang P4.1 trilyon national budget para sa 2020.

Ayon kay Senador Sonny Angara, Senate finance committee chairman, target nilang maisumite ang General Appropriations Bill (GAB) sa tanggapan ng pangulo sa ikalawa o ikatlong linggo ng Disyembre.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan na maipasa sa oras ang 2020 national budget at hindi matulad noong nakaraang taon kung saan naantala ang pag-apruba ng 2019 General Appropriations Act.

“So critical is the GAA because we failed to pass it on time during the previous budget cycle, the country paid a price,” ani Angara.

“One adverse impact was a slower GDP growth rate in the first half of the year. Another was that construction and repairs of thousands of classrooms were delayed, as were tuition fees of thousands of government scholars across the country,” dagdag niya.

Dahil nag-operate ang gobyerno ng re-enacted budget sa unang apat na buwan sa taong ito, naudlot din ang pagkakaroon ng libong trabaho para sa mga Pilipino sa kontruksyon, public administration at defense, wholesale at retail trade, land transport at education sector.

“Indeed, it would have helped many Filipinos in their struggle against poverty if the government’s poverty reduction efforts weren’t derailed,” ani Angara.

Muntin na rin umanong magmintis ang bansa sa kanilang growth target sa taong ito dahil sa pagka-delay ng approval ng 2019 national budget subalit dahil agresibong paggastos, umangat ang ekonomiya ng 6.2% ay malapit na sa full-year target na 6% hanggang 7%.

Tiniyak naman nito bibigyan ng sapat ng pondo ang Department of Education, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority pare matiyak na maibigay ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Gayundin umano sa pangkalusugan kung saan committed ang gobyerno na mabigyan ang lahat ng mga Pilipino ng free insurance coverage sa ilalim ng Universal Health Care Act.

“Tuloy tuloy ang pagbibigay ng tulong sa ating mahihirap na kababayan dahil wala silang matatakbuhan kundi ang gobyerno oras na sila ay nagkasakit. Nais din natin na mahatid ng serbisyong medikal ang lahat ng ating kababayan, lalo na ang mga nasa liblib na mga lugar n gating bansa,” ayon kay Angara.

Tiniyak din nito na magkakaroon ng sapat na pondo para sa pagsasaayos ng kasalukuyang mode of public transport na isa sa mga kritikal na programa ng administrasyon.

“Napapaloob sa panukalang ito ang mga prayoridad, pinahahalagahan at pangarap natin bilang mga Pilipino. Mababatid sana dito na kaakibat ng katuparan ng ating mga pangarap ay ang agarang pagtugon sa mga pagsubok na kinakaharap natin bilang isang bansa,” ani Angara.

“Kaya nararapat lamang na suriin at pag-usapan natin ito nang masinsinan. Nararapat lamang na siguraduhin natin na Malaya ito sa anumang katiwalian. Nararapat lamang na sa darating na araw, ‘wag nating kalimutan na sa dokumentong ito naka-angkla ang kaunlaran at kasaganahan ng ating bayan,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?