77

Dec 21, 2019 @ 14:55
By

2020 budget posibleng hindi maihabol ngayong 2019

Maaaring hindi mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proposed P4.1-trillion 2020 national budget bago matapos ang taon, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Paliwanag ni Sotto sa isang panayam sa DWIZ, maaantala ang printing ng niratipikahang budget dahil sa holiday season.

“The latest will be January 6, 2020. ‘Yun ang suspetsa namin na pinakamabilis na matapos ang printing kasi may mga holidays. Latest is Jan. 6…but it could be earlier,” pahayag ni Sotto.

Alam naman aniya ng Pangulo ang laman ng 2020 budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?