35

Apr 29, 2020 @ 17:18
By

2020 Bar exam suspendido

Pansamantalang sinuspinde ng Supreme Court (SC) ang pagdaraos ng 2020 Bar Examination sa darating na Nobyembre 2020.

Ang anunsiyo ay ginawa ng SC matapos nilang ilabas ang resulta ng 2019 bar exams nitong Miyerkoles.

Nabatid sa isang pahinang Bar Bulletin na pirmado ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, chairperson ng 2020 bar exams, ang suspensiyon ay sanhi na rin ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 19 (COVID-19) sa bansa.

Gayundin, ang epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic idagdag pa ang epekto ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

“Upon the recommendation of the 2020 Bar Examinations Chairperson, and in view of the increasing number of COVID-19 cases in the country, as well as the social and economic disruption caused by the pandemic and the resulting enhanced community quarantine, the Supreme Court En Banc resolved to postpone the 2020 Bar Examinations.” ayon kay Leonen.

Pagtutuunan na lamang ngayon ng SC ang pagsasagawa ng mga kinakailangang adjustments at preparasyon para matiyak na ligtas at maayos ang susunod na bar exam.

Sinabi ni Leonen na sa Hunyo ng taong ito inaasahang makakapagbigay sila ng petsa kung kailan gagawin ang 2020 bar exams.

“The new schedule shall be announced in a separate bar bulletin by June 2020 when the current adjustments to the present pandemic becomes clearer. It shall definitely be held sometime in 2021,” bahagi ng pahayag ni Leonen.

Nakasaad pa rito na ang susunod na bar exams ay gagawin sa Maynila at Cebu City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?