69

Dec 16, 2017 @ 14:01
By

2019 SEAG hosting, iisa ang puntirya

Numero uno sa agenda para sa ikatatagumpay ng 30 Southeast Asian Games 2019 hosting sa bansa ang pagpokus ng bawat isa sa mayoryang layunin.

“The only way to make the 2019 SEA Games attain success is to work as one, make collective efforts and pull resources together to achieve the ultimate goal,” pahayag kahapon ni Depart of Foreign Affairs Secretary at SEAG chairman Alan Peter Cayetano tapos ng pulong niya kina Philippine Sports Commission chairman William Ramirez at Phil. Olympic Committee president Jose Cojuangco, Jr. para sa preparasyon.

“We have to show and prove to our counterparts in Southeast Asia that the Philippines is ready to host the biennial meet and assures foreign delegates and athletes their brief stay in the country is worth meaningful and full of fond memories,” hirit ng dating senador.

Dinagdag niya na ang pulong na binansagang “Pagkakaisa Meeting” ay walang halong politika at ang kanilang pag-uusap ay nakasentro lang sa SEAG.

Ilalarga ang biennial Games sa iba’t ibang palaruan sa Clark, Zambales, Tarlac, Manila at Bulacan kung saan nakapuwesto ang basketball sa Philippine Arena.

Inaasahang lalaruin sa Subic, Zambales ang water sports at archery, kung saan doon din ginanap ang 2005 SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?