6
abante-tnt-vismin-sea-games
By

2019 SEAG: 30 o 34 sports?

Sharing is caring!

Ilan ba talaga ang inisyal na napagkasunduang sports sa 2019 Southeast Asian Games, 30 o 34?

Kabuuang 30 sports ang inihayag nina Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas kasama si Chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino, Secretary General Patrick Gregorio at dating POC President Celso Dayrit kasama si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Executive Director Ramon ‘Tatz’ Suzara.

Gayunman, lumalabas na kabuuang 34 na sports ang nakalista sa ipinamigay na unang listahan ng SEAGF Executive Committee matapos ang pagpupulong. Ito ay nang pagsamahin bilang isang sports ang magkakaibang disiplina na baseball/softball, equestrian/polo, judo/jiu-jitsu at wrestling/kurash.

Malaki ang pagkakaiba ng baseball at softball habang iba din ang equestrian sa polo. Ang judo ay lubhang kakaiba sa disiplina ng jiu-jitsu habang ang wrestling ay sadyang napakalayo ng dipirensiya sa kurash.

Kung bibilangin ang bawat sports ay umaabot sa 34 ang inirekomenda kabilang ang athletics, aquatics, archery, badminton, baseball, softball, basketball, billiards, bowling, boxing, cycling, equestrian, polo, fencing, football, golf, gymnastics, judo, jiu-jitsu, karatedo, sailing, sepak takraw, shooting, squash, taekwondo, triathlon, volleyball, weightlifting, wrestling, kurash, arnis, dancesports at muay.

“Based on the discussions and decisions of the executive committee meeting held last May 16, 2018, the following initial list of preferred sports for inclusion in the forthcoming 2019 Southeast Asian Games has been accepted for submission to the SEAG Federation Council for final approval,” ayon sa sulat na pirmado ni Celso Dayrit, na siyang tumatayo bilang SEAGF Executive Committee Chairman.

Nakatakda pang muling pag-usapan ang nasabing sports kung saan posible pa magdagdag base sa mga magiging suhestiyon ng ibang National Olympic Committee bago ang Hunyo 13, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?