189
2019 PVL Collegiate Conference: Perpetual walis kay Viray, SBC
Sep 7, 2019 @ 14:38
By

2019 PVL Collegiate Conference: Perpetual walis kay Viray, SBC

Winalis ng San Beda ang Perpetual Help, 25-18, 25-22, 25-17, sa unang laro Sabado sa 2019 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre.

Matapos matalo sa Ateneo noong nakaraang linggo ay bumangon si Nieza Viray matapos gumawa ng game-high 14 points mula sa 11 attacks kasama pa ang 2 service aces at 1 block.

Hindi rin nagpahuli ang kapitana ng koponan na si Cesca Racraquin nang pumalo ng 10 attacks at 2 service aces habang gumawa rin ito ng 10 excellent digs upang kunin ang ikalawang panalo ng Beda hawak ang 2-2 kartada.

Samantala, bagsak naman sa 1-3 win-loss record ang Lady Altas nang kapusin ang ginawang 11 points, 5 excellent digs at 4 excellent receptions ni Jhona Rosal.

Paghahandaan naman ng San Beda ang San Sebastian para sa paparating nilang sagupaan sa susunod na Sabado habang sasalpukin naman ng Perpetual Help ang rumaragasang Ateneo Lady Eagles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?