139

Sep 7, 2019 @ 14:41
By

2019 PVL Collegiate Conference: Baste nakabutas na, Canete bida

Mabangis si Reyann Canete, trangko sa opensa ng San Sebastian para pabagsakin ang Letran sa dikdikang 4-set win, 25-20, 22-25, 25-27, 24-26, sa ikalawang laro ng 2019 Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre, nitong Sabado.

Naglista si Cenete ng 12 points kasama ang 14 excellent digs upang ibigay sa Lady Stags ang unang panalo makalipas ang apat na salang.

Katuwang ni Canete si Catherine Lim sa panalo ng Lady Stags nang gumawa ito ng 20 receptions at 17 digs para ipalasap sa Lady Knights ang ikatlong dapa kontra isang panalo.

Mainit ang simula ng Letran, kinuha ang unang set ng laro pero nagising at rumatsada sa sumunod na tatlong frame ang Lady Stags para sa unang tagumpay sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?