43

By

2019 Oscars tuloy kahit walang host

Sharing is caring!

Nagdesisyon na ang prestihiyosong Academy Awards na ituloy ang show nito kahit walang host.

Ang desisyon ay nag-ugat matapos umatras sa kanyang pagho-host si American comedian Kevin Hart matapos siya tuligsain sa kumalat na homophobic tweets nito online.

Sinubukan pang buyuing bumalik ni talk show host Ellen Degeneres si Hart pero noong January 9 sa pag-guest ng komedyante sa “Good Morning America” ay isinarado na nito ang pinto para maging Oscars emcee ngayong tao.

“I want everybody to know I’m done with it. It’s a choice that I’ve personally made to say I’m not addressing it anymore,” ani Hart.

Gaganapin ang 91st Academy Awards sa February 24, 2019 sa Dolby Theater sa Hollywood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?