40

By

2019 national budget posibleng magarahe sa session break ng Kongreso

Ipinahiwatig ng senior vice chairman ng House committee on appropriations na posibleng hindi maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang P3.757-trillion national budget bago ang session break ng Kongreso simula sa October 13.

Aminado si Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora na malaking hamon sa kanila na mai-akyat sa Senado ang 2019 budget ngayong linggo kasunod ng delay dahil sa usapin ng P52-billion insertions na ini-realign nan g Kamara sa mahahalagang proyekto.

Pero sabi ni Zamora, ginagawa ng Kamara ang lahat para maihabol pa rin ang pag-apruba sa pambansang pondo sa natitirang mga araw ng sesyon bago ang adjourrment.

“Based on the volume of work that needs to be done and the fact that we’re still resolving all the matters taken up during the debates, we’ll try our best, but we may not have enough material time to get it approved on third [and final] reading before the recess,” ayon kay Zamora.

Noong nakaraang Miyerkoles ay nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang proposed 2019 budget.

Kasabay nito’y bumuo ang mababang kapulungan ng small committee na magtatrabaho para sa mga panukalang amyenda sa House Bill No. 8169.

Kinabibilangan ito nina House majority leader Rolando Andaya, Reps. Zamora, Federico Sandoval, Corazon Nuñez-Malanyaon, Danilo Suarez, Anthony Bravo at Edcel Lagman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?