135

Apr 3, 2019 @ 14:21
By

2019 national budget posibleng idulog ni Lacson sa SC

May posibilidad na dalhin ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Korte Suprema ang usapin sa General Appropriations Act (GAA) 2019 kung hindi ibe-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kuwestiyonableng probisyon.

Gayunman, kumpiyansa aniya siya kay Pangulong Duterte na susundin ang tama.

“I might. But we’re confident the President will veto the items. Kasi pinakuha ni ES (Executive Secretary Salvador) Medialdea ang detalye ng mga sinasabi naming ni-realign. Pinakuha rin ni SOF (Finance Secretary Carlos)Dominguez and pinakuha rin ng (Secretary of Budget and Management) SBM, what would that indicate?” paliwanag ni Lacson.

Aminado ang senador na lubhang nakakapagod kung dadalhin sa Korte Suprema ang usapin.

“Napaka-tedious ng process, maghanap ng lawyer. Sabi ko nga I might just question it. Pero I’ll just cross the bridge when I get there. Kasi malaki naman ang indication na ibe-veto,” diin ni Lacson.

Kabilang sa kinuwestiyon ng Senado sa budget ang realignment ng Kamara sa P75 billion na proyekto ng Department of Public Works and Highways sa iba’t ibang distrito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?