7

By

2019 national budget mapipirmahan ni Duterte sa Disyembre – Andaya

Sharing is caring!

Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya na makararating sa mesa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan ang panukalang P3.757-trillion national budget para sa 2019.

Pinawi ni Andaya ang pangambang magkaroon ng reenacted budget dahil meron pa naman aniya silang sapat na panahon para tapusin ang pambansang pondo sa susunod na taon.

“We are against a reenacted budget because it will be hard to implement, it will constrict spending, and it will give wide latitude and discretion to the executive on what projects to implement,” sabi ni Andaya.

Ayon sa majority leader, isinasapinal na lamang ng mga mambabatas ang mga probisyon ng General Appropriations Bill para sa 2019.

“We are on the last mile of itemizing, double-checking the entries in the budget, in a manner that will be 100 percent compliant with the rules of the House, with all the laws on budgeting, and the jurisprudence on matters of authorizing and spending appropriations,” paliwanag ni Andaya.

“Ingat kami kasi legislative haste leads to budget waste,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?