146

Nov 29, 2019 @ 18:26
By

2019 Miss Universe: Catriona dumating na sa Atlanta

“Let the battle begin.”

Ito ang pahayag ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados matapos lumapag sa Atlanta, Georgia si Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong Biyernes.

Sa Georgia nitong December gaganapin ang 2019 Miss Universe kung saan inaasahang ipapasa ni Queen Cat ang kanyang korona.

Nakakulay pulang kasuotan si Catriona habang may hawak na bandila ng Pilipinas nang dumating sa Atlanta.

Bago nito’y nagboluntaryo si Catriona na mag-prepare ng pagkain para sa mga taong may malalang sakit sa New York City sa Thanksgiving Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?