359

By

2019 Fiba World Cup: Team ‘Pinas babanga sa bigatin ng Europa

Haharap ang Pilipinas sa pangmalakasang koponan mula Europa matapos ang 2019 Fiba World Cup draw, Sabado ng gabi sa Foshan, China.

Kasalo ng ‘Pinas sa Group D ang Serbia at Italy na parehong top European ball club, kasama pa ang Angola mula Africa region.

Sa latest na Fiba ranking, nasa ikaapat na spot ang Serbia bilang pinakamahusay sa buong mundo, mas mataas lang sa France, Spain at defending champions USA.

Ang Italy naman ay world ranked no. 13th, ilan sa mga ipinagmamalaking player ay mga nakatungtong na sa NBA na sina Danilo Gallinari at Marco Belinelli.

Hindi rin papadaig ang Angola, na kahit 39th lang sa Fiba ranking ay itinuturing na pinakamalakas na koponan sa Afrobasket.

Angola ang may pinakamaraming ginto sa Afrobasket sa 11 kampeonato,

Top 2 ang kukunin para makaabante sa second round kung saan haharapin ang Group C – ang Asian rival na Iran, Spain, Puerto Rico o Tunisia.

Samantala salo sa Group A ang Portugal, Poland, Venezuela at China. Sa Group B naman ay Russia, Argentina, Korea at Nigeria.

Papangunahan nman ng USA ang Group E kasama ang Czech Republic, Japan at Turkey. Papasikat naman sa Group F ang Greece, New Zealand, Brazil at Montenegro.

Para sa Group G, sasalamang ang Domincian Republic, France, Germany at Jordan, samantalang hahataw sa Group H ang Canada, Senegal, Lithuania at Australia. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?