22

By

2019 budget target maaprubahan sa susunod na linggo – Zubiri

Puntirya ng Senado na aprubahan ang panukalang 2019 national budget sa Lunes, Enero 21.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, para ito matupad, aapurahin ng kapulungan ang plenary debates ukol sa badyet hanggang sa darating Miyerkoles o Huwebes.

Kakayanin umano ito dahil iilang ahensya na lang ang hindi pa dumadaan sa pagbusisi ng Senado.

Ang mga ito ay ang Department of Public Works and Highways, Department of Tourism, Department of Health, Department of Justice at Commission on Elections.

Kapag nasunod ang timetable ng Senado, maisusumite ang panukalang badyet na P3.757 trilyon sa Bicameral Conference Committee sa Enero 22.

Kapag agad doong napagkasunduan ang badyet, maaari na iyong paratipikahan sa dalawang kapulungan sa Enero 23.

Sinabi ni Zubiri na kailangan nilang madaliin ang badyet upang maibigay na ang umento ng mga manggagawa ng gobyerno.

Hinahabol din na maisabatas ang badyet bago pumasok ang panahon ng kampanya para sa eleksyong idaraos sa Mayo 2019.

Ipinagbabawal ang bagong infrastructure project kapag may eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?