32

By

2019 budget pararatipikahan sa Pebrero 8 – Legarda

Puntirya na paratipikahan sa Senado at Kamara sa Biyernes ang panukalang P3.757 trilyong pambansang badyet para ngayong 2019.

Sa plenary session ng Senado ngayong hapon, sinabi ni Legarda , chairman ng Senate Committee on Finance, na napagkasunduan nila ito ni House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya sa pulong nila ngayong hapon.

Maganda umano ang itinakbo ng kanilang pulong.

“It was more congenial and open bicam and I think there’s a breakthrough in a sense,” pahayag ni Legarda nang hingan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ng update sa badyet dahil kanselado ang pulong ng Bicameral Conference Committee para sa Lunes ng gabi.

Nagkasundo umano sina Legarda at Andaya na idaos ang huling pulong ng Bicam sa Miyerkoles.

“Congressman Andaya and I agreed to meet again on Wednesday morning so that we can finalize it for a targeted ratification on Friday at the latest,” sabi pa ni Legarda.

Ipinunto nito na sa legislative calendar, maaari silang magdaos ng sesyon hanggang sa Biyernes.

Nung tanungin naman ni Senador Panfilo Lacson kung magpipirmahan na sila ng Bicam report kapag nag-ulat muli si Legarda ukol sa badyet, nag-recess ang sesyon at hindi na ulit ito inungkat pagbalik nila sa sesyon.

Natengga ang panukalang badyet dahil sa akusasyon at kontra-akusasyon ng mga senador at kongresista ukol sa pagsisingit umano ng pork barrel sa 2019 budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?