69
2019 budget handang i-veto ni Duterte ‘pag may nasilip - Panelo
By

2019 budget handang i-veto ni Duterte ‘pag may nasilip – Panelo

Hindi agad pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naipasang 2019 national budget kahit pa gumagamit na ngayon ang gobyerno ng re-enacted budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dadaan pa ito sa masusing pagbusisi ng Pangulo para makatiyak na na aayon sa Konstitusyon ang naipasang 2019 pambansang budget.

Kapag aniya may nakita ang Presidente na inaakalang irregular at hindi tama ay ibe-veto niya ito at ibabalik sa Kongreso.

“The President, as we said, will be scrutinizing every phase, every provision of the budget. He wants to be sure that it is in conformity with the Constitution. And he will veto anything that he feels is not correct or irregular,” ani Panelo.

Kahit aniya gustong-gusto na ng Pangulo na pirmahan ang 2019 budget ay hindi niya gagawin ito dahil kailangan munang makita kung may butas ang 2019 budget.

Kaugnay naman sa posibilidad na kuwestiyunin ng mga kritiko ang veto power ng Pangulo, sinabi ni Panelo na nasa Konstitusyon ito at ibinigay na kapangyarihan sa isang Presidente.

Ang magagawa aniya ng mga mambabatas sakaling ibalik ng Presidente ang isang enrolled bill ay itama ito dahil mayroong mekanismo para dito.

“How can you question a veto power that’s lodged in the Constitution? It’s there. It’s a power of the President to veto. What they can do under the Constitution is to override a veto. You don’t have to go to the Supreme Court. A President vetoes a measure, then Congress can override the veto by the required number of votes. May mechanism eh,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?