75

By

2019 budget aaprubahan na – Sotto

Maaprubahan na ng Senado at Kamara ang panukalang 2019 national budget sa Biyernes, Pebrero 8.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, aaprubahan at papipirmahan ang General Appropriations Bill (GAB) sa Bicameral Conference Committee sa pulong sa umaga.

Sa magkahiwalay na sesyon ng dalawang kapulungan sa hapon, pararatipikahan na ang report.

Sa panukala na binalangkas ng Malacañang, P3.757T ang pambansang badyet.

Natagalan ang pagpapatibay nito dahil atrasado nang inakyat ng Kamara.

Nagpatagal din ang isyu ukol sa diumano ay budget padding at pork barrel insertions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?