155

2019 BNTV Cup 9-Stag Derby sisipa sa Hulyo 1 sa Big Dome

Isa sa mga pinakamalaking kaganapan sa kasaysayan ng sabong sa Pilipinas ay ang pagkakatatag ng BNTV Cup, isang labanan ng mga batang tinale na ginaganap mula Hulyo hanggang Setyembre.

Tinatawag na “early bird season” kung kailan ang mga sisiw na napisa sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ay inilalaban, ang BNTV Cup ay nagbigay sa mga sabungan sa buong bansa ng patuloy na operasyon kahit pa sa panahon ng taglugon.

Nasa ikatong taon na, ang 2019 BNTV Cup ay isa nang 9-stag national derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).

Ang pinakahihintay na pagbubukas ay sa Hulyo 1 & 2 sa Smart Araneta Coliseum para sa simula ng dalalwang buwan na 2-stag eliminations.

“Kinailangan gawin naming dalawang araw dahil sa dami ng gustong maglaban nang maaga sa Araneta na umabot na ng halos 200 ngayon,” pahayg ng organizer at ‘Bakbakan Na’ TV host Joey Sy.

Sa Hulyo 11, magkakaroon ng isang ‘straight 5’ na labanan sa New Dauis Cockpit Arena, Bohol na susundan ng mga regular na 2-stag elims sa mga sumusunod na lugar at petsa : Hulyo 19 – New Tarlac Coliseum, Tarlac; Hulyo 23 – San Roque Cockpit Arena, Bulacan; Hulyo 24 – San Juan Coliseum; Hulyo 25 – Abucay Cockpit, Bataan; Hulyo 30 – Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; Hulyo 30 – Imus Sports Arena, Cavite at Hulyo 31 – Edward’s Coliseum, N. Ecija.

Sa Hulyo 23 – 27, limang araw na magkakasunod na eliminasyon ang gaganapin sa Manila Cockers’ Club sa Carmona, Cavite.

Ang 4-stag grand finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa ika-9 ng Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?