54

Apr 28, 2020 @ 15:17
By

2019 Bar Exam ilalabas bukas

Ilalabas na bukas ng Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Website ang resulta ng 2019 Bar Examinations.

“The results of the 2019 Bar Examinations will be uploaded in the Supreme Court website on April 29, 2020 after the En Banc session,” pahayag ni 2019 Bar Chairperson Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, sa isang notice noong Abril 23.

Sinabi naman ni SC Public Information Officer chief Brian Hosaka, makikita ang resulta ng pagsusulit sa pamamagitan ng sc.judiciary.gov.ph website.

Nalaman na umabot sa may 7,699 law graduates ang nakakumpleto ng 2019 Bar Examinations na ginanap noong Nobyembre 2019 sa University of Santo Tomas.

Ayon sa SC sa sandaling makasama sa mga pumasa, inabisuhan na hintayin ang susunod na anunsiyo kung kailan maaaring kunin ang ‘clearances, oathtaking at roll signing’ sa mga darating na araw.

Mahigpit na inabisuhan ng SC ang mga bar examinee na huwag nang pumunta sa SC Compound dahil hindi naman ipapaskil ang resulta ng mga pumasa sa Bar Exam.

Ito ay bilang pagsunod na rin sa guidelines ng enhanced community quarantine alinsunod sa social distancing para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?