WebClick Tracer

Pagpatay sa mga abugado, kinundena ni Chief Justice Bersamin

Nakikiisa si Chief Justice Lucas Bersamin sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa pagkundena sa serye ng pagpatay sa mga abugado at hukom.

Sa statement na inilabas ni Court Administrator at Supreme Court Spokesman Jose Midas Marquez, nananawagan din umano ang Korte Suprema sa mga otoridad para sa agarang pag-aksyon sa nasabing insidente ng karahasan.

“Chief Justice Lucas P. Bersamin joins the Integrated Bar of the Philippines in condemning in the strongest possible terms the recent spate of killings of lawyers, including judges, and calls on the concerned authorities to put an immediate stop to these senseless acts of violence within the bounds of the law, and bring the perpetrators to justice,” saad ng statement ni Marquez.

Dagdag pa niya, idudulog ng punong mahistrado sa court en banc ang panawagan kaugnay sa pagsasagawa ng independyenteng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa mga abugado at ang pagdaraos ng dayalogo sa pagitan ng mga grupo ng abugado at mga otoridad. (MARICEL DIAZ)

TELETABLOID

Follow Abante News on