WebClick Tracer

IBP hinimok ang Supreme Court na umaksyon sa Batocabe slay probe

Hinimok ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang Korte Suprema na gumawa ng agarang aksyon sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga abogado.

Kamakailan lamang ay nabaril ang IBP Albay Chapter member at Ako Bicol Party-list Representative na si Rodel Batocabe ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Bago ang naturang pangyayari ay na-ambush naman ang myembro ng IBP Negros Occidental na si Erfe del Castillo sa Talisay, Negros Occidental na maswerteng nakaligtas.

Bukod pa rito’y pinatay rin si Atty. Benjamin Ramos na siyang abogado ng mga biktima ng Sagay Massaccre.

Nananawagan ang IBP sa Korte Suprema na gumawa ng agarang aksyon upang maprotektahan ang mga abogado na gumagawa ng kanilang mga tungkulin upang ipagtanggol ang karapatan ng kanilang mga kliyente.

(Jobelle Macayan)

TELETABLOID

Follow Abante News on