WebClick Tracer

Mutual Defense Treaty tungkol sa WPS dapat linawin ng US- Gregory Poling

Dapat i-clarify ng United States of America kung paano i-aapply ang Mutual Defense Treaty (MDT) nito sa sitwasyon ng West Philippine Sea.

Saad ni Gregory Poling, director ng Washington-based Asia Maritime Transparency Initiative, ito na ang oras para i-settle ng US ng mga katanungan tungkol sa scope ng naturang 66-year-old treaty.

Iba’t ibang bansa ang may overlapping claim sa naturang dagat, kabilang na rito ang Pinas, China, Taiwan, Vietnam, Malaysia, at Brunei.

Inaangkin ng China ang pinakamalaking bahagi ng katubigan sa kanilang tinatawag na nine-dash line, at iginigiit ng mga ito ang kanilang pag-angkin sa pamamagitan ng pagtatayo ng malalaking, artipisyal na isla na may military capabilities.

Sa panayam ng Inquirer kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi nitong ang klaripikasyon mula sa US ay mahalaga dahil sa pamamagitan nito matutukoy kung hanggang saan tayo tutulungan ng US sa isyu sa West Philippine Sea.

TELETABLOID

Follow Abante News on