WebClick Tracer

Jennylyn Mercado ober da bakod para sa Kapamilya movie

Bibida si Kapuso actress Jennylyn Mercado sa isang Star Cinema feature sa pagpasok ng 2019.

Ang kanyang magiging kapareha ay sina Richard Gutierrez, na dati ring nasa GMA7 at JM de Guzman para sa pelikulang may title na ‘Heart of Mine’.

Ito na ang ikalawang project ni Jennylyn sa Star Cinema kasunod ng kanyang movie with John Lloyd Cruz na ‘Just the 3 of Us’, sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Ito ang kanyang unang movie project kasama si JM, samantalang tila reunion naman ang mangyayari sa kanila ni Richard na dati ngang taga-Kapuso.

TELETABLOID

Follow Abante News on