WebClick Tracer

2 karnaper, 2 tulak tigbak sa parak

crime-scene-dead

Dalawang karnaper at dalawang drug pusher ang tumumba sa mga awtoridad sa naganap na magkahiwalay ng engkuwentro sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, naganap ang engkuwentro dakong ala-una ng madaling-araw sa Kalamyong St., kanto ng San Isidro Labrador, Brgy. Payatas-A, QC.

Batay sa pahayag ng biktimang si Mark John Borawis Mendoza, 26, may asawa, cook, at residente ng Pitalyo St., Brgy. Mahabang Parang, Binangonan, Rizal, nitong Nobyembre 22 ay tinangay ng apat na armadong kalalakihan ang kanyang Honda Beat motorcycle sa De Leon St., Veterans Village, Brgy. Holy Spirit sa nasabing lungsod.

Ayon sa biktima, nasa Batasan Police Station siya kasama ang kapatid na si Joseph nang makatanggap ng text message na hinihingan siya ng ng P20,000 kapalit ng motorsiklo.

Agad namang ini-report ng biktima sa pulisya ang kanyang natanggap na mensahe sa cellphone kaya naman nagkasa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Batasan Police Station.

Pagdating sa nasabing lugar ay namataan nang nag-aabang ang mga suspek subalit habang papalapit ang mga awtoridad ay nakatunog ang mga ito at mabilis na nagpaputok ng baril.

Dahil dito ay agad namang gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa duguang bumulagta ang dalawang ‘di pa nakikilalang mga suspek habang nakatakas naman ang isang kasamahan nila.

Nasamsam sa crime scene ang isang Colt Defender cal. 45, cal. 38, mga basyo ng bala ng baril, boodle money, sling bag at apat na sachets ng shabu.

Dakong alas-sais ng umaga naman ng Nobyembre 23 ay naka-engkuwentro naman ng mga pulis ang dalawang tulak ng shabu sa No. 104 K4th St., Brgy. Kamuning, at napatay ang nakilalang si Ramil Pancipane, 30, ng Brgy. Sacred Heart at isang alyas Nonoy, 25, na umano’y nanlaban nang aarestuhin sa ikinasang buy-bust.

TELETABLOID

Follow Abante News on