WebClick Tracer

Matteo Guidicelli hinarana si Sarah G sa concert

Nagpakilig sa mga nanood ng concert nina Matteo Guidicelli at Carlo Aquino sa Music Museum ang public display of affection ng una sa girlfriend nitong si Sarah Geronimo.

Kabilang kasi si Geronimo sa audience na nanood sa concert ng dalawa.

Bago awitin ni Matteo ang “You Are the Reason”, nagbigay muna ito ng matamis na mensahe para sa pop princess na ito raw ang kanyang inspirasyon.

“There’s always somebody who’s giving me inspiration, and this song is for her. She’s the reason,” ani Guidicelli.

Buong ningning naman ang ngiti ni Geronimo nang kantahan siya ng aktor.

TELETABLOID

Follow Abante News on