WebClick Tracer

Balangiga bells babalik sa ‘Pinas, Palasyo nagalak

Ikinatuwa ng Malacañang ang ulat na nagsimula ng maglakbay pabalik ng Pilipinas ang Balangiga bells mula sa Wyoming, United States of America.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na matagal ng inaasam na maibalik sa bansa ang kampanya na naging simbulo ng kabayanihan at sakripisyo ng dugo ng mga Pilipino.

Hanggat hindi nakakarating sa Pilipinas ang Balangiga bells ay iiwasan muna ng Malacañang na maglabas ng dagdag na komento.

Matatandaang sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inihayag nito ang kagustuhang maibalik sa bansa ang Balangiga bells.

“We welcome any movement towards the return of the the Bells of Balangiga to the Philippines. The President himself, in his second State of the Nation Address, expressed his desire for the return of these bells explaining that they form part of our country’s patrimony and they were taken at the cost of bloodshed of thousands of Filipinos,” ani Panelo.

Ang Balangiga bells ay isa sa tatlong kampana sa simbahan ng Balangiga, Eastern Samar na kinuha ng mga sundalong Amerikano noong 1901 bilang tropeo noong panahon ng digmaan sa mga Amerikano.

Ang isa sa mga kampana ay nasa South Korea at dalawa ang dinala sa Amerika at naka-display sa 11th Infantry Regiment sa F.E. Warren Air Force base sa Wyoming, USA. (aileen taliping)##

TELETABLOID

Follow Abante News on