WebClick Tracer

3 kukuha ng police clearance, diretso sa kulungan

Swak sa piitan ang tatlong sinasabing wanted matapos na mag-apply ng police clearance sa Quezon City Hall, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ni Quezon City Police Clearance Section head PChief Insp. Rodel C. Maritana ang naarestong si Danilo Sena, 48-anyos, ng Brgy. Mangga, QC, na may kasong ‘estafa’.

Sa ulat nitong November 9, dakong alas-3:30 ng hapon ay nag-apply umano si Sena ng police clearance nang biglang lumitaw sa a ‘hit’ ng PNP E-Warrant System ang kanyang pangalan na may warrant of arrest sa kasong estafa, na inisyu ni Judge Anjanette N. De Leon Ortile, ng RTC Branch 156, Marikina City at may piyansang P40,000.00.

Ayon kay Maritana, si Sena ay pang-100 na sa mga wanted na naaresto sa pamamagitan ng PNP E-Warrant data system ng QCPD mula noong September 2017 hanggang sa kasalukuyan.

Kaugnay nito, nadakip naman ng Masambong Police Station (PS 2) sa pamumuno ni PSupt Rodrigo Soriano ang number 8 most wanted na si Joey Boy Comora, 24, ng Brgy. Bagong Pag-asa na may kasong robbery.

Ang arrest warrant laban kay Comora ay inisyu ni Judge Alfredo D. Ampuan, of QCRTC, Branch 80 na may piyansang P100,000.

Samantala, nadakip naman ng Talipapa Police Station (PS 3) na pinamumunuan ni PSupt Alex Alberto si Ronald Allan Malbog, 25, ng Brgy. Tandang Sora, dakong alas-4:10 ng hapon (November 9, 2018), sa Blakes Restaurant SM North EDSA, Brgy. Bago Bantay.

Si Malbog ay may warrant of arrest sa kasong ‘indirect contempt’ na ipinalabas ni Judge Maria Lourdes Giron ng QCRTC Branch 102.

TELETABLOID

Follow Abante News on