WebClick Tracer

Pagbasura sa fuel excise tax muling iginiit

Kinalampag ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang mga economic manager ng administrasyong Duterte para katigan na ang panawagan para suspendihin ang pagpapataw ng fuel excise tax at pagbasura ng probisyon ukol dito sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Kasunod ito ng pananatili sa 6.7 percent ng inflation rate para sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Quimbo, ang hindi paggalaw ng inflation rate ay hindi good news dahil ito pa rin ang pinakamataas sa nakalipas na siyam na taon.

“While some have attempted to frame this in a positive light, the fact remains that it is still at a 9-year high and that our people continue to suffer from higher prices,” sabi ni Quimbo.

Giit ng kongresista, kung sususpindehin ang fuel excise tax ay malaki ang magiging positibong epekto nito para sa ordinaryong mamamayan.

Batid anya ito ng mga kapwa niya kongresista kaya dumarami ang sumusuporta sa kanyang House Bill 8171 na nagpapa-repeal ng excise tax sa diesel at kerosene.

Iginit ni Quimbo na dapat nang makinig ang mga economic manager, o ang parehong mga opisyal ng administrasyon na nagbalewala sa inflationary effect ng fuel excise tax sa ilalim ng TRAIN Law.

TELETABLOID

Follow Abante News on