WebClick Tracer

‘Shabu-shabu’ karinderya, patok sa mga estudyante

shabu5

Tatlong katao ang dinampot ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa sinalakay na karinderya na umano’y hindi lang pagkain ang inihahain, dahil pwede rin umanong umorder ng shabu ang mga suki nito na karamihan ay pawang mga estudyante sa Quezon City.

Kinilala ni Talipapa Police Station (PS 3) commander P/Supt. Alex Alberto ang mga nadakip na sina Rex Joseph Cortez Theodor, 52-anyos, may-ari ng karinderya; Arnulfo Marcelo Naquita, 54, ng No. 36 Fisheries St., Brgy. Vasra; at Jennifer De Belen, 52, ng Blk 28, Loty 12 Pinagsamahan Village, Taguig City.

Batay sa inisyal na report, nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya na hindi lamang pagkain ang inihahain ng karinderya na matatagpuan sa Barangay Bahay Toro, dahil pwede ring umanong umorder ng shabu.

“May nagsumbong sa amin na ‘front’ lang ang karinderya pero ang inoorder doon bukod sa mga nilutong ulam, pwede rin daw umorder ng shabu at karamihan sa parokyano nila ay mga estudyante kaya naman isinailalim na namin ito sa surveillance,” ayon kay P/Supt. Alberto.

Matapos ang halos ilang araw na pagmamanman at nakumpirma ang nakalap na impormasyon ng pulisya ay bumuo na ng raiding team ang SDEU ng Talipapa Police Station at sinalakay ang nasabing karinderya na matatagpuan sa No. 5 Pluto St., Brgy Bahay Toro, dakong alas-12:10 ng tanghali kahapon.

Bukod sa mga nasamsam na iligal na droga at drug paraphernalia ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Talipapa Police Station sa sinalakay na karinderya, nakakumpiska rin ang ‘raiding team’ ng mga baril na isang cal. 22 Remington model 597, Garco Airgun, isang Daisy Bb caliber 45 nodel 105b, at isang shotgun 12 gauge.

Maliban dito ay nakakuha din ang mga awtoridad ng mga sachet ng shabu sa toilet bowl na hinihinalang tinangkang i-flush upang walang makuhang ebidensiya ang mga pulis.

TELETABLOID

Follow Abante News on