WebClick Tracer

MVP! Reaksyon ng mga NBA player sa 50 points ni D. Rose

Pinaulanan ng masigabong palakpakan si Minnesota Timberwolves guard Derrick Rose matapos ang kanyang career-high 50 points sa kanilang laban kontra Utah Jazz.

Kita ang luha ni Rose habang iniinterbyu siya matapos ang laban, halatang maging siya ay na-overwhelm sa kanyang naging performance sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.

At kahit ang kanyang mga kasamahan sa NBA ay hindi rin maiwasang mamangha lalo’t isa si Rose sa mga nakaranas ng career-ending injury dahilan upang hindi nito maibalik ang dating liksi at lundag.

TELETABLOID

Follow Abante News on