WebClick Tracer

Allen Dizon sumungkit ng magkasunod na Best Actor award!

Muli na namang kinilala ang husay ng award-winning actor na si Allen Dizon. This time, hindi lang isa, kundi dalawang Best Actor award ang napanalunan ni Allen, recently.

Actually, three days lang ang pagitan, dalawang Best Actor ang sinungkit ni Allen sa magkaibang pelikula.

Parehong sa international film festival ito, una ay sa International Film Festival Manhattan (IFFM) last Ocober 18 para sa pelikulang ‘Sekyu’ na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan at prodyus ng BG Productions International ni Ms. Baby Go. Sumunod ay sa 25th FACINE Annual Filipino International Cine Festival na ginanap sa San Francisco, California, para sa pelikulang ‘Bomba’ ni Direk Ralston Jover.

Ayon sa manager ni Allen na si Dennis Evangelista, 35 acting award na ang napanalunan ng primyadong actor. Sa Best Actor ay 30 na, apat na Best Supporting Actor awards at isang ensemble acting award.

Siyam sa tropeong ito ay sa International film fest, tatlo sa ‘Magkakabaung’ ni Direk Jason Paul Laxamana, dalawa para sa ‘Iadya Mo Kami’ ni direk Mel Chounglo, tatlo sa Bomba, at isa sa Sekyu.

Para sa pelikulang Bomba, sa kabuuan ay nanalo na ng pitong Best Actor award si Allen.

Ang mga susunod na pelikula ni Allen ay pawang mga bigatin, kaya hindi nakapagtataka kung mag-uuwi na naman siya ng panibagong acting honors sa mga proyektong ito.

Kabilang sa forthcoming movies ni Allen ang ‘Persons of Interest’ ng ATD Entertainment Productions, ‘Latay’ ng BG Productions with Lovi Poe at Mariel de Leon, at ang dalawang latest film ni Brillante Mendoza na ‘Alpha: The Right To Kill’ at ‘Bayang Magiliw’ na katambal ni Allen si Judy Ann Santos.

Incidentally, kasali sa 24th Kolkata International Film Festival sa India ang pelikulang Persons of Interest.

TELETABLOID

Follow Abante News on