WebClick Tracer

Kita Kita, Buybust, iba pang Pinoy film, bubuhos sa Netflix

netflix

Malapit niyo nang mapanood ang inyong mga paboritong Pinoy movie sa streaming giant na Netflix dahil sa dagsa ng mga local film na ilalabas sa mga susunod na araw.

Una sa listahan ay ang Heneral Luna ng TBA Studio na lalabas bukas, Nobyembre 1.

Kasunod dito ay ang Anne Curtis action movie na ‘BuyBust’, na masasaksihan sa Nobyembre 15, at paggising kinaumagahan ay ipapalabas na rin ang sikat na pelikula nina Alessandra de Rossi at Empoy na ‘Kita Kita’ sa Nobyembre 16.

Sunod dito ay ang iba pang mga pelikula tulad ng ‘That Thing Called Tadhana’, ‘My Ex & Whys’, ‘It Takes A Man And A Woman’, ‘Seven Sundays’, at ‘Starting Over Again’.

Pati mga ibang mainstream movies tulad ng ‘Praybeyt Benjamin’ ni Vice Ganda, ‘Vince & Kath & James’ ng JoshLia at ‘The Breakup Playlist’ nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual ay malapit na ring mapanood.

TELETABLOID

Follow Abante News on