WebClick Tracer

Kaye Abad sabak muli sa teleserye

After ng ilang taon na pagpapahinga sa showbiz si Kaye Abad, masaya ang kanyang mga fan dahil magbabalik na sa limelight ang mahusay na aktres.

May teleserye nang gagawin ang misis ni Paul Jake Castillo, Ang upcoming teleserye ay may working title na ‘Nang Ngumiti Ang Langit’.

Last na ginawa ng aktres ay ang ‘Two Wives’ noong 2015.

After Two Wives, kinasal na sila ni Paul Jake sa Cebu at nagka-anak ng lalaki.

Pero kahit nag-lay low muna ang aktres dahil sa kanyang pamilya, hindi naman nawawala ang komunikasyon niya sa mga kaibigang artista at sa kanyang home studio.

Katunayan nang huli siyang ma-interview, sinabi niyang nami-miss na niyang umarte.

And this is it. Kaya naman masayang-masaya ang mga Kaye Abad fan.

TELETABLOID

Follow Abante News on