WebClick Tracer

Marco, Yassi markado ang akting sa ‘Broken Hearted’

Ibang klase ring mga kaibigan sina Nadine Lustre at James Reid na parehong dumating upang suportahan ang latest starrer ng kanilang friend na si Yassi Pressman sa red carpet premiere night ng pelikulang Para sa Broken Hearted ng Viva Films na ginanap nitong Lunes, October 1 sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Alam naman ng lahat kung gaano rin ka-busy ang JaDine sa kanilang mga commitments, pero, in the name of friendship, talagang binigyan nila ng panahon ang panonood ng maganda at aliw movie na ito, Siyempre, sobrang ikinatuwa ito ni Yassi.

Aside from the two, namataan din naming sina Bela Padilla at Meg Imperial na kapwa nila Viva contract stars katulad nang nasa cast ding sina Shy Carlos, Marco Gumabao , Louise delos Reyes at Sam Concepcion.

In fairness, na-enjoy naming ang movie lalo na towards the ending at ang episode nina Yassi at Sam kung saan nakitaan namin ng potensiyal sa pag-arte ang singer-actor.

Isa nga itong book adaption, pero maayos ang pagkakalahad ng story-telling sa malaking telon at pinuri ang cast and director ng mga manonood pagkatapos ng ending ng pelikula.

Pinalakpakan ng audience ang moment ni Marco kung saan sinigaw-sigawan nito si Shy habang nagtatanong ito tungkol sa katangahan niya sa pag-ibig dito.

Aba, isang scene lang yun for Marco pero tumatak talaga at hindi rin naman nagpahuli si Shy.

Marami ang nakapuna na medyo mataba dito si Louise, pero acting-wise ay hindi rin naman siya nagpahuli sa iba.

All in all, ma-emote ang movie, pero relatable. And more importantly, maayos ang pagkakalahad g kuwento na hopefully ay kumita sa takilya.

Good luck!

TELETABLOID

Follow Abante News on