WebClick Tracer

Trust rating ni Duterte, bumaba ng 15-porsyento – Pulse Asia

Sa panibagong inilabas na survey ng Pulse Asia ngayong Setyembre, bumaba ng 15-porsyento ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara noong Hunyo.

72-porsyento ng mga Filipino ang bumoto ng ‘big trust’ o may tiwala pa rin sa Pangulo, na noong nakaraang poll ay umabot sa 88-porsyento, samantalang 19 naman ang ‘undecided’ at siyam sa ‘small/no trust’ o may katiting o wala nang tiwala kay Duterte..

Samantala, 75-porsyento naman, o 3 sa bawat Filipino ang aprub sa naging performance ng pangulo, 15 ang undecided habang 10 ang bumoto ng ‘disapprove’.

Sinabi ng Pulse Asia na ginawa ang survey pagkatapos ng naging rape joke ni Duterte sa tumataas na kaso ng panggagahasa sa Davao, pati na rin ang sunod-sunod na pambobomba sa Mindanao.

TELETABLOID

Follow Abante News on