WebClick Tracer

Calida utak sa pagbawi ng amnestiya ni Trillanes – Duterte

duterte8

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Solicitor General Jose Calida ang nag-research at nakatuklas na may mali sa amnestiyang iginawad ng dating administrasyon kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang pagdating sa bansa mula sa biyahe sa Israel at Jordan, sinabi ng Pangulo na hindi siya ang nag-utos para bigyan ng sakit ng ulo ang senador.

Matalino aniya si Calida at gaya ng ginawang pagsaliksik sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni dating Chief Justice Lourdes Sereno ay nagawa nitong makita ang butas sa ibinigay na amnestiya kay Trillanes.

“‘Yung kay Trillanes , alam mo ang totoo n’yan, ang nagresearch si Calida. Just like kay Sereno . He was the one who was.. alam mo si Calida medyo bright na matino,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na si Calida ang abugado ng gobyerno kaya’t kapag sinabing may mali na kailangang itama, wala siyang magagawa kundi sundin ito kahit pa siya ang Presidente ng bansa.

“‘Pag sinabi ng Solgen may mali and this has to be corrected, I cannot refuse he is the government lawyer, I am not. Though I am a mayor and the President , I cannot insist lalo na in view of the fact that it was already recorded as a public paper. So kung ano yang sinabi niya doon yan ang paniwalaan ko,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang matapos mailabas ang proclamation 572 na nagpapawalang-bisa sa amnestiya ng senador ay si Pangulong Duterte kaagad ang binakbakan nito at iginiit na ito ay isang uri ng political persecution.

TELETABLOID

Follow Abante News on