WebClick Tracer

Drayber ng traysikel 2 beses pinutukan sa ulo

Isang tricycle driver ang patay matapos na baunan ng dalawang beses ng bala sa kanyang ulo ng isang hindi pa nakikilalang gunman sa Lungsod ng Caloocan.

Sa ulat nina PO1 John Michael Ramos at PO1 Ferdinand Lupog ng Caloocan City Police Community Precinct (PCP) III, ganap umanong ala-1:25 nang madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 43, Package IX, Barangay 176 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong nasa labas ng isang tindahan na pagmamay-ari ng isang Editha Calipay, 46 anyos ang biktimang si AntonioTamayo Jr., 34 anyos, tricycle driver ng Phase 8A Package 12 Block 163 ng nasabing lungsod sakay ng kanyang tricycle nang makarinig ng dalawang magkasunod na putok ng baril si Calipay dahilan upang agaran niya itong usisain.

Paglabas niya ng kanyang establisiyimento ay doon na niya nakita ang wala nang buhay na si Tamayo na nakasalampak sa kanyang minamanehong tricycle at naliligo na sa sarili nitong dugo.

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ay narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong empty shell at deformed slug mula sa. 45 caliber pistol, sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente. (Cherk Balagtas)

TELETABLOID

Follow Abante News on