WebClick Tracer

Jana Victoria, wish muling makatrabaho si Piolo Pascual

Mapapanood si Jana Victoria sa pelikulang Para sa Mga Broken Hearted ng Viva Films, starring Sam Concepcion, Yassi Pressman, Marco Gumabao, Shy Carlos, at Louise Delos Reyes.

Dito’y gumaganap ang Viva Artist Agency talent bilang mother ni Sam Concepcion. Kaya inusisa namin si Jana kung okay lang ba siya sa ganitong role?

Pahayag ng aktres, “I just finished shooting Para sa mga Broken Hearted. Mom ako ni Sam Concepcion sa movie. Yes, I am okay to do a mom role since I am a mom na already.”

Lagarista ang naging launching project ni Jana na pinagbidahan ni Piolo Pascual. Pero bakit after ng pelikulang ito ay matagal bago nasundan?

“Yes, Lagarista was my launching movie. Dapat may four films pa ako, but I wasn’t ready to show more flesh. That’s why I didn’t accept my next film,” esplika pa niya.

Wish ba niyang makatrabaho ulit si Piolo?

“Yes, I’m willing and be happy to work with him again, especially now na ang dami ko na rin pinagdaanan. Marami nang paghuhugutan.

“If God has a plan for me to do a movie with Piolo, I’d be grateful,” nakangiting saad pa niya.

Ngayon ay katatapos lang gawin ni Jana ang music video ni Lance Raymundo. Si Jana ang leading lady ni Lance rito para sa single niyang You Are The One or YATO sa Viva.

TELETABLOID

Follow Abante News on