WebClick Tracer

Direk Cathy, mas prioritize idirek ang love teams sa ABS-CBN kaysa sa JaDine

Hindi sinasara ni direk Cathy Garcia Molina ang kanyang pinto para makatrabaho sina James Reid at Nadine Lustre.

Nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita sa social media account ang JaDine fans at si direk Cathy.

Pero sumasagot lang ang director sa malumanay na pananalita sa pangba-bash ng JaDine fans.

Hindi tuwirang sina James at Nadine ang basher ng direktora kundi mga tagahanga nila.

Ani direk Cathy, sa ngayon ay malabo raw na makatrabaho niya ang reel-real sweethearts couple.

Katatapos lang daw niya sa movie ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), ang “The Hows of Us.”

“Medyo malabo siya ngayon, LizQuen pa tayo, JoshLia, so mas marami pang love teams na nasa bakuran ng ABS-CBN na siguro ay ipapa-prioritize sa akin,” sabi ni direk Cathy.

Natanong din siya kung may pag-asa pa na makagawa sila ng proyekto ng paborito at kaibigang actor na si John Lloyd Cruz.

Sagot ng mahusay na director: “Siyempre hundred percent, siya tatanungin natin. Sa ngayon ayaw ko siyang tanungin o madaliin kasi baka lalo siyang ma ano… alam mo ‘yun. Hayaan mo siya.”

Sa August 29 na ipalalabas ang “The Hows of Us” nina Kathryn at Daniel.

TELETABLOID

Follow Abante News on