WebClick Tracer

Problema sa trapik, dahil sa corruption sa MMDA – Atienza

Isinisi ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza sa katiwalian sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang matinding problema sa trapik.

Punto ni Atienza, maraming korap na traffic enforcers habang pinagkakakitaan rin ang mga bus terminal sa EDSA.

Sabi ng kongresista, kung masosolusyunan ang mga ito ay tiyak na 50% ang iluluwag ng trapik.

Kaya naman hamon ni Atienza kay MMDA Chairman Danilo Lim, alisin muna ang korapsyon sa kanilang ahensya sa halip na ipagbawal ang driver-only car sa EDSA tuwing rush hours.

Ayon sa kongresista, ginagawang guilty ng MMDA ang taumbayan gayong ito rin naman ang may kagagawan ng problema.

Binanatan ni Atienza ang ahensya sa kawalan ng sense of priority at fairness dahil sa bagong polisiya.

“Pinipilit ng MMDA ang solusyon nasa atin. Ang solusyon nasa kanila. They have to come to accept the fact that corruption is the No. 1 problem why we have the traffic mess,” diin ni Atienza.

TELETABLOID

Follow Abante News on