WebClick Tracer

Nathalie Hart bye muna showbiz, sa Australia manganganak

BOUND for Australia si Nathalie Hart para roon isilang ang dinadalang anak sa sinapupunan courtesy of her non-showbiz bf na nakilala niya sa India noong dumalo sa kasal ng isang kaibigan.

Bago pa umalis ng bansa, pinakita na ni Nathalie ang pagkatao ng kanyang boypren sa sariling social media account. Sa larawan ay makikikita na hindi kalayuan ang kanyang edad sa bf.

Nahaharap si Nathalie sa punto ng kanyang buhay showbiz na ‘mawawala’ na muna sa limelight matapos maipalabas ang kanyang pelikulang “Kusina King” na tila hindi nakatulong ang kontrobersiyang inamin niyang buntis siya para kumita ito sa takilya. Pati na ang dapat sana na movie niya na “Patayin Sa Sindak Si Barbara” ay napunta na sa dating beauty queen na si Mariel de Leon.

Ang natitira na lang na pelikulang natapos niya ay ang “Abay Queen” kasama sina Cristine Reyes, Meg Imperial, Kyle Versoza at Roxanne Barcelo at tila malabong maipalabas pa ito sa patuloy na paglaki na ng kanyang tiyan.

Tsikang any moment ay aalis na si Nathalie ng bansa at kung matutuloy ang naunang plano na pakakasal na muna siya ngayong December o kung pagkatapos na lang niya manganak.

Keber ang byuti ni Nathalie kung anuman ang mangyari sa kanyang showbiz career.

Ang mahalaga ngayon sa sexy actress ay ang mailuwal nang maayos ang anak sa sinapupunan.

Lumaking palaban sa buhay si Nathalie at halos siya na rin ang sumusuporta sa kanyang mga kapatid. Kaya kahit ano ay kaya niyang gawin para sa mga mahal sa buhay.

TELETABLOID

Follow Abante News on