WebClick Tracer

John Lapus, sumabak na rin sa pagiging direktor via #PangMMK

Malaking challenge para sa komedyanteng si John Lapus ang maging direktor ng pelikula. Nagkaroon ito ng katuparan sa pamamagitan ng indie film na #PangMMK na bahagi ng Cinema One Originals 2018.

Tampok sa naturang pelikula sina Cherry Pie Picache, Joel Torre, Nikki Valdez, at Neil Coleta na siyang bida rito.

Last time na nakapanayam namin si John, nabanggit ng komedyante ang plano niyang ito. Na sa pagdiriwang ng 25th year anniversary niya sa showbiz ay plano niyang sumabak na rin sa pagiging director sa pelikula, bilang bahagi ng bagong chapter ng kanyang buhay-showbiz.

Ngayong taon ang 25th year ni John sa mundo ng showbiz.

Dati nang nagdidirek ang komedyante sa teatro. Ayon pa kay John, isa sa naidirek niya sa teatro ay si Piolo Pascual noong baguhan pa lang ang Kapamilya star.

Ano ang feeling na finally ay movie director ka na at pang-Cinema One pa?

Tugon niya, Masaya po and very thankful kay God at sa mga kaibigang tumutulong.”

Saad pa ni John, “Comedy po ang #PangMMK. Tungkol po ito sa stress ng isang legal na anak nang mamatay ang tatay niya sa piling ng kabit nito.”

Naninibago or nangapa ka ba as director? Tuloy tuloy na ba ang pagdi-direk mo?

Wika niya, “Medyo po. Buti na lang prepared ako bilang nag-aral ako kay direk Carlitos at ako mismo ang sumulat ng script, kaya gamay ko ang material.

“Sana po magustuhan ng mga magwa-watch sa October.

“Hopefully tuloy-tuloy na ako magdirek, pero tumatanggap pa rin ako ng works bilang artista. Tulad niyan, tapos na po ang Since I Found You, puwede na ako mag-soap ulit. Panawagan po sa lahat ng networks, available na po ako,” nakangiting pahayag pa niya.

Pahabol pa ng actor/direktor, “Malaking challenge ito para sa akin, kahit nakaka-tense rin… pero happy ako, plus ang ganda ng cast ko. Magagaling silang, lahat. Napakahusay po nilang lahat at kaabang-abang dito si Neil Coleta bilang bida.

“Actually, parang hindi ako makapaniwala na this is it, na may idinidirek na akong pelikula,” pakli pa ni John.

TELETABLOID

Follow Abante News on