WebClick Tracer

Sunshine nakikipagrambulan na rin sa serye

abante-tnt-vismin-sunshine-cruz

Pasok na rin si Sunshine Cruz sa Kapuso stars na may karambulan sa teleserye.

Una na rito si Barbie Forteza sa “Inday Will Always Love You” laban kay Kim Rodriguez; Yasmien Kurdi vs Jackie Rice sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”; at sina Katrina Halili at Megan Young sa “The Stepdaughters”.

Kasama rin sina Glaiza de Castro at Lauren Young sa “Contessa” at ang latest ay sina Nora Aunor at Cherie Gil sa “Onanay”.

Kahit mapisikal ang eksenang sabunutan at sampalan ni Sunshine kay Bing Loyzaga ay enjoy naman ang dalawa. Wala naman daw sakitan na nagaganap sa kanila. At dahil sa makatotohanang rambulan nina Sunshine at Bing ay hindi kataka-taka na humakot agad ito ng viewers sa morning timeslot nito katapat ang show nina Jodi Sta. Maria at Robin Padilla.

Sa kalabtim ay tila enjoy rin si Sunshine, kahit pa sabihin na mas bata sa kanya si Benjamin Alves. Para sa sexy mama, trabaho lang daw ang pagkakaroon nila ng affair ni Benjamin at sa totoong buhay naman ay smooth sailing ang lovelife ni Sunshine sa kanyang bf na si Macky Mathay na hindi nalalayo ang edad sa kanya.

TELETABLOID

Follow Abante News on