WebClick Tracer

Ginang tiklo sa pagpuslit ng shabu sa kulungan

ABANTE tiklo jail arrested crime girl theft

Huli ang isang babae matapos tangkang magpuslit ng shabu sa loob ng bilangguan sa Quezon City, na hinihinalang idedeliber sa nakapiit niyang live-in partner kaninang madaling-araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Joan dela Cruz, 41, residente ng Barangay Balon Bato, Quezon City.

Batay sa ulat ng Talipapa Police Station (PS-3), dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang maaresto ang suspek sa loob mismo ng presinto.

Nagtungo sa bilangguan ang suspek at nakiusap umano sa mga pulis para madalaw ang kanyang nakakulong na kinakasama na si Crisencio Tismo at madalhan ito ng pagkain.

Nabatid na si Tismo ay nakadetine sa detention facility ng PS-3 matapos na maaresto noong nakaraang buwan dahil din sa pag-iingat ng iligal na droga.

Sa awa ay pumayag naman ang mga pulis ngunit nang isailalim sa mandatory body check ay nakumpiskahan si Dela Cruz ng isang pakete ng shabu sa kanyang bulsa.

TELETABLOID

Follow Abante News on