WebClick Tracer

Ciara at Danica nakipag-compete sa 2 Korean heartthrobs

May cooking show na sinalihan ang magpinsan na sina Ciara at Danica Sotto na napapanood sa TvN Asia, ang “One Night Food Trip-International Edition”.

Excited ang dalawa dahil para lang daw silang nagpi-play lalo pa at ang ka-showdown nila ay ang South Korean stars – Nichkhun ng 2PM South Korean boyband at si Alexander Lee na nakapareha ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya sa GMA-7.

Kuwento ni Ciara, na siya ang tagatikim ng niluluto nilang spicy food dahil ‘di raw type ni Danica ang maanghang.

“I’ve never done a show na I have to try this or that or try something new. Tapos with Danica pa, I think, I couldn’t let the opportunity pass, siyempre, bilang taga-rito kami, Philippines. Na-meet ng magpinsan ang kanilang dalawang Korean guys na makakalaban. Natuwa sila sa mga ito dahil very friendly daw. Siniguro ng magpinsan na magugustuhan ng manonood hindi lang mga kapwa Pinoy kundi Koreano ang show dahil ipakikita rin nila ang magagandang place at kultura ng Pilipinas.

Sa Coron at Legazpi nag-food trip sina Ciara at Danica, samantalang ang dalawang South Korean stars ay sa Cebu at Pampanga.

Kung sino ang mananalo sa competition, siyang mabibigyan ng golden passport. ()

TELETABLOID

Follow Abante News on